^

PSN Showbiz

GF na actress bumakod ng bongga, hunk actor hindi natikman ng malanding sexy actress; PCSO napunta kay Arnell Ignacio, Jimmy Bondoc pinalitan sa posisyon si Boy

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Unti-unti nang napag-uusapan ang pagbabalik ng Encantadia na mapapanood na sa July 18.

Pagkatapos lumabas ng trailer nito, halos iisa ang komento ng karamihan na mukhang Game of Thrones ang fantaserye. Kaya ang laki ng expectations nila sa requel ng telefantasya.

Happy nga raw si Marian Rivera kahit special participation lang sila ni Dingdong Dantes dito.

PAK: Super bakod daw ang young actress sa boyfriend nitong young hunk actor nang magsama sila sa isang pelikula.

Paano ba naman, kasama nila ang makinis at seksing aktres na kilalang type tikman ang mga guwapong aktor na nakakatrabaho niya.

Mukhang type na type raw kasi ng seksing aktres ang mga hunk actor na magaganda ang katawan at bongga ang abs.

Natapos ang shooting nila na hindi nakaka-score ang sexy actress sa hunk actor. Bongga nga kasi ang pagiging guardiya sibil ng girlfriend na kasama rin sa pelikula.

BOOM: Marami ang nagdududang ibinigay kay Arnell Ignacio ang posisyon sa Philippine Charity Sweepstakes.

Ayaw munang sabihin ni Arnell kung saan at kung ano ang kanyang posisyon dahil mas mabuting hintayin ang opisyal na pagbaba ng office order bago niya ito i-announce. Pero masaya siya sa ibinigay ni Pres. Rodrigo Duterte na posisyon sa kanya dahil makakatulong daw sa mga nangangailangan.

“Hindi ako mahihirapan sa mga gustong lumapit sa akin para matulungan, lalo  na sa pagpapagamot,” sabi ni Arnell sa amin.

Hindi raw niya talaga linya ang may kinalaman sa entertainment at mas gusto niya ang public service.

Ang narinig naming isa pang celebrity supporter na binigyan ni Pres. Duterte ng posisyon ay si Jimmy Bondoc. Kung hindi kami nagkamali, sa kanya raw ibinigay ang dating posisyon nina Kuya Boy Abunda at Bong Quintana sa PAGCOR.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with