^

PM Sports

CafeFrance, Racal habol ang ika-2 sunod na panalo

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad na makakuhang muli ng panalo ang CafeFrance Bakers at Racal Tile Masters sa kanilang paghaharap sa 2016 PBA D-League Foundation Cup eliminations sa JCSGO Gym Cubao Quezon City.

Magaganap ang laro sa alas-4:00 ng hapon.

Kapwa naipanalo ng parehong koponan ang kanilang unang laro sa Foundation Cup na may malaking kalamangan. Sinimulan ng Bakers ang kanilang kampanya sa 89-64 na panalo laban sa Topstar ZC Mindanao Aguilas, habang tinalo naman ng Tile Masters ang Tanduay Rhum Masters, 98-79.

Para kay CafeFrance coach Egay Macaraya, umaasa siyang magma-mature at mag-i-improve ang kanyang mga manla-laro sa bawat laro.

“They have to understand that they have to overcome those obs-tacles. I just let them feel and understand that they can do it. Sometimes, they have to learn to compose themselves and not rely on the coaches,” pahayag ni Macaraya.

Makakatapat nina Carl Bryan Cruz, Paul Zamar, at Rodrigue Ebondo ng Ba-kers sina Dexter Maiquez, Jonathan Grey at Raphael Banal ng Tile Masters.

Sa unang laro, susubukan namang bumawi ng ZC Topstar Mindanao Aguilas sa pagkatalo noong opening day sa laban kontra sa Phoenix Accelerators sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Kakailanganin ng Aguilas ng mas magandang laro, ‘di lamang kina Dexter Garcia at Gino Jumao-as na siyang top scorers sa kanilang unang laro, kundi pati sa ibang manlalaro upang matalo ang malakas na line-up ng Accelerators. FML

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with