^

PSN Showbiz

Andre gustong samahan si Kobe sa Amerika, Alden hindi maintindihan kung bakit maraming naninira kay Maine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakakatuwa ang suporta ng mga ori­ginal na gumanap Sang’gre sa mga bagong launch sa pagbabalik ng Encantadia sa GMA 7.

Lahat sila ay nag-post ng pagbati kina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.

Kahit nasa kabilang istasyon na si Karylle na dating Alena, nagbibigay pa ito ng tips kay Gabbi kung ano ang gagawin sa set kapag nasa taping na ito ng Encantadia.

Puspusan na ang ensayo ngayon ng main cast ng bagong Encantadia. Si Kylie ang aligaga sa training at gustung-gusto niya ito dahil may alam siya sa martial arts.

PAK: Ngayong linggo lang makakabalik si Benjie Paras mula sa ilang linggong bakasyon sa Amerika.

Ayaw pala siyang paalisin ni Kobe Paras nu’ng magbakasyon last Semana Santa. Bumalik na dito si Andre Paras at ang iba niyang kapatid pati na ang Mommy Lyxene niya, pero nagpaiwan si Benjie dahil nalulungkot daw si Kobe kapag bigla siyang iniiwan. Kaya nag-stay muna si Benjie ng ilang araw para samahan ang anak.

Kahit mahigit isang taon na doon ang batang cager, sobrang miss na miss pa rin daw niya ang kanyang pamilya.

Sabi ni Andre: “Hindi mawawala ‘yun eh. Kahit iba na ang kultura niya dun, dala pa rin niya ‘yung culture ng pagka-Pilipino na you always honor your parents. Eh wala nga siyang magulang dun. Kaya mag-isa na lang siya talaga. Pero kahit mag-isa lang siya dun, hindi siya makulit dun.

“Siya tahimik lang siya dun, training lang sa school at proud ako sa kanya kasi mataas ang grades niya, kasi may inspiration siya at he’s working hard, hindi lang sa basketball kundi pati sa academics.”

Pagkatapos ng That’s My Amboy, balak ni Andre na bumalik ng Amerika para samahan sandali ang kanyang kapatid.

BOOM: Si Alden Richards na mismo ang nakikiusap sa mga naninira sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Nagtataka raw siya sa mga nagkakalat ng kung anu-anong kasiraan ni Maine gayung hindi naman daw nila ito kilala.

Sabi ng Pambansang Bae, “Hindi ko nga po maintindihan kung bakit ang dami-dami nilang sinasabi against Maine. To think na mas lagi ko po siyang nakakasama.

“Mas kilala ko po siya. Parang kailangan itigil nila iyun. Kasi parang wala naman silang proof eh.”

Kaya pinapayuhan na lang daw niya ang ka-loveteam na huwag na lang pansinin. Hindi pa rin daw kasi sanay si Maine sa mga intrigahan sa showbiz, kaya lagi na lang daw niya itong pinaalahanan na huwag na lang patulan ang mga ikinakalat na paninira laban sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with