^

Pang Movies

Starstruck avenger, tatalikuran na ang showbiz para mag-pastor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Handang talikuran ng Starstruck Avenger na si Jan Manual ang showbiz para maging isang pastor.

Nakilala ang Kapuso comedian bilang si Pacboy at gumaganap siya ngayong bading na kaibigan ni Barbie Forteza sa teleserye na That’s My Amboy.

Naging aktibo sa church si Jan noong 2012 pa.

“Para kasing may kulang sa mga ginagawa ko. Okey naman ang trabaho natin sa showbiz. Hindi naman po tayo nawawalan ng trabaho. Pero parang hindi ka pa rin masaya.

“Totoo pala ‘yung sinasabi nilang may calling ka from God.

“Noong maging active na ako sa Victory Christian Fellowship, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. ‘Yung lagi kang masaya kasi nakakapakinig ka ng mga salita ng Diyos.

“Ready na akong iwan ang showbiz para mag-fulltime training na ako sa church namin.

“Iba ang experience talaga. May inner peace na doon ko lang naramdaman,” pagtapos pa ni Jan Manual.

Ngayon anim na ang anak Angelina umaming hindi pinangarap maging ina

Ni-reveal ng Hollywood actress na si Angelina Jolie na bago siya naging ina sa anim nilang anak ni Brad Pitt, hindi raw niya naisip na maging isang ina at magkaroon ng anak.

“It’s strange, I never wanted to have a baby.

“I never wanted to be pregnant. I never babysat.

“I never thought of myself as a mother,” ayon pa sa Oscar-winning actress.

Nagsimula ang kanyang pagkaroon ng hilig sa bata noong mag-shoot siya ng pelikulang Lara Croft: Tomb Raider sa bansang Cambodia.

Nataon din na naging goodwill ambassador ng United Nations si Angelina noong mga panahon na iyon.

“I was playing with children at a Cambodian school when everything changed. It was suddenly very clear to me that my son was in the country, somewhere,” sey pa ng aktres na inampon ang panganay na si Maddox in 2002.

Noong 2003 nagtatag ng isang foundation si Angelina sa Cambodia sa ilalim ng pangalan ni Maddox sa Battambang province.

“The foundation helps fund health care, education and conservation projects in rural Cambodia.”

At 14-years old, tumutulong na si Maddox sa kanyang Mommy Angelina sa set ng pelikula nito titled First They Killed My Father na sinu-shoot ngayon sa Cambodia.

Benjamin tuloy ang kampanya sa edukasyon

Ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves pa rin ang ambassador ng 2016 GMA Network Excellence Awards (GNEA).

Hindi nga raw nagdalawang-isip si Ben na tanggapin ang GNEA noong isang taon pa dahil isang karangalan ito sa kanyang pagiging isang celebrity at bilang isang dating mag-aaral na nagtapos with honors.

Graduate si Ben sa University of Guam with a degree in English Literature at nagtapos siya with a Summa Cum Laude distinction.

“It’s important to recognize hard work because it’s not an easy journey but it doesn’t make it horrible, it’s a rewarding and a great experience and it should be rewarded,” pahayag ni Benjamin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with