^

PM Sports

3-0 tangka ng UP, Army

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Itataya ng UP Lady Maroons at Army Lady Troopers ang malinis na karta sa pagharap sa magkahiwalay na asignatura sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season12 Reinforced Confe-rence ngayon sa The Arena sa  San Juan City.

May 2-0 karta ang UP at Army at isa pang panalo ay mag-uusad sa isang paa patungong semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Kalaro ng UP ang PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters sa inaasa-hang magandang tagisan sa ganap na ika-12;45 ng hapon habang makakalaban ng Army ang Navy Lady Sailors dakong alas-5 ng hapon.

Rambulan sa unang panalo ang paglalabanan sa pagitan ng mga walang panalong Kia Forte at Coast Guard Lady Dolphins dakong alas-3 ng hapon.

Galing ang Lady Maroons sa magkasunod na panalo laban sa Navy at Coast Guard at nagawa nila ito dahil sa magandang pagtutulungan  ng mga beterana sa pangu-nguna ni Nicole Tiamzon at mga baguhan sa pamumuno ni Isabel Molde.

May 1-1 baraha ang PLDT pero galing sila sa pagkatalo sa Army sa larong umabot sa limang sets.

Hindi pa tiyak kung maglalaro na ang first conference MVP na si Alyssa Valdez pero asa-han na kakamada ng husto sina Aiza Pontillas, Sue Roces, Gretchel Soltones at Lou Ann Latigay.

vuukle comment

AIZA PONTILLAS

ALYSSA VALDEZ

ANG

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD

COAST GUARD LADY DOLPHINS

GRETCHEL SOLTONES

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

ISABEL MOLDE

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with