^

Para Malibang

Gustong ipalaglag ang baby

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Marie, 19, isang katulong. May boyfriend po ako. Family driver siya ng aming kapitbahay. Sa madalas naming pagdi-date sa motel, nabuntis niya ako. Tuwing Linggo ang off ko at ito ang pagkakataong mag-date kami. Dalawang buwan na po ang dinadala ko at nalaman ito ng aking amo. Maunawain naman po sila. Pero nang malaman ng bf ko ang aking kalagayan, ang gusto niya ay ipalaglag namin. Ayoko po. Gusto ko magpakasal kami pero ayaw niya. Hindi raw niya pananagutan ang bata. Ayoko pong magkasala. Pero tiyak na magagalit ang aking mga magulang sa probinsiya kapag nalaman nila. Ano po ang gagawin ko?

Dear Marie.

Tama ang desisyon mo na huwag ipalaglag ang sanggol. Buhay ‘yan at ang pagkitil dito ay mortal na kasalanan. Kung ayaw panagutan ng nobyo mo ang bata, panindigan mo ang pagiging ina ng iyong baby. Ipagtapat mo rin sa iyong mga magulang ang nangyari. Kung natatakot ka, puwede mong pakiusapan ang iyong amo na samahan ka sa pagsasabi sa iyong magulang. Normal lang na kagalitan ka nila dahil mali ang iyong ginawa. Nagkamali ka at dapat mong harapin ang bunga ng iyong pagkakamali sa paraang tama at matuwid. Ngayong nakita mo ang tunay na pagkatao ng nobyo mo, kalimutan mo na siya. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

ANO

AYOKO

BUHAY

DALAWANG

DEAR MARIE

DEAR VANEZZA

IPAGTAPAT

PERO

STRONG

TUWING LINGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with