^

Police Metro

Estudyante nabaril ng ama kritikal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang 25-anyos na binata matapos na  aksidenteng mabaril ng ama nito na lango sa alak sa naganap na insidente sa Brgy. Balangasan, Pagadian City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si James Russel Mendez, estudyante  at residente ng nasabing lugar na patuloy na nilalapatan ng lunas sa Borbon Hospital sa tinamong tama ng bala ng cal.45 pistol sa kaniyang kanang dibdib na naglagos sa kaniyang likuran.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang ama nitong si Guillermo Mendez, 51, foreman  na tumakas matapos ang insidente.

Bandang alas -11:52 ng gabi ng lasing na umuwi ang suspek na sinasaway ng anak nito sa pag-iingay ngunit ayaw paawat ay aksidenteng  nakalabit ang gatilyo ng kaniyang armas na sumapul sa biktima.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad  ang nasabing insidente.

vuukle comment

BALANGASAN

BANDANG

BORBON HOSPITAL

BRGY

GUILLERMO MENDEZ

ISINASAILALIM

JAMES RUSSEL MENDEZ

KINILALA

KRITIKAL

PAGADIAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with