^

Dr. Love

Pihikan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A blessed Christian greetings to you, Sir. Huwag na lang ibunyag ang identity ko at please, tawagin mo na lang akong Crystal.

Ako ay 30-anyos na pero believe me, napagkakamalan akong 20-years old lang. Dalaga pa ako at pihikan sa mga boys.  Maraming nanliligaw sa akin.

Mga guwapo sila at mayayaman. Mga artistahin.  Pero lahat sila ay turned down sa akin dahil nga sa aking pagiging pihikan.

Hanggang sa dumating sa buhay ko si Armand. Mukha siyang probinsyano at walang maipagmamalaking tikas o kisig. Hindi naman siya pangit pero kung itsura ang pag-uusapan, wala siya sa kalingkingan ng mga suitors ko.

Bagong empleyado siya sa aming opisina at ang table niya ay just across mine.  Naging magkaibigan kami at naibigan ko ang ugali niyang maginoo at natuklasan kong siya ay sobrang talino.

We became so close at ngayo’y nanliligaw na siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang mahal ko siya. Naiisip ko baka pagtawanan ako ng aking mga katrabaho dahil lahat ng mga guwapong suitors ay ni-reject ko pero heto at natapat ako sa isang ‘di naman guwapo.

Please help me.

Crystal

Dear Crystal,

Ang gandang panlabas ay kumukupas pero ang kagandahan ng loob ay pangwalang-hanggan. Kung mahal mo siya, sa edad mong 30-anyos ay walang kaduda-dudang tama ang iyong desisyon.

Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba dahil buhay mo iyan at kinabukasan mo ang nakataya sa gagawin mong desisyon.

Isa pa, sa edad na 30 ay medyo malapit ka nang pag-iwanan ng biyahe kaya time to decide.

Dr. Love

vuukle comment

ARMAND

DEAR CRYSTAL

DR. LOVE

HANGGANG

HUWAG

ISA

MARAMING

SIR. HUWAG

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with