^

PSN Showbiz

Anak pinauna na Piolo pinayagan nang magka-GF si Iñigo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahit abala sa taping ng teleseryeng Hawak Kamay si Piolo Pascual ay isang bagong pelikula ang nakatakdang gawin ng aktor ngayon. Makakatambal ni Piolo si Sarah Geronimo sa isang romantic movie na ipalalabas sa Valentine’s Day. “Magpapahinga ako ng mga ilang araw. Hindi naman pwede na matagal na pahinga. Hindi ko pa alam, bahala na si Batman pero magsisimula na kami ng pelikula with Sarah for Valentines. Kaya hindi ko alam kung paano ko magagawa magpahinga. May playdate na siya, good luck pero Christmas vacation meron naman pero priority pa rin ang trabaho,” pahayag ni Piolo.

Ayon sa aktor ay matagal na rin niyang pinapangarap na maka­sama ang Popstar Princess sa isang proyekto. “So finally ito na nga. Nakapag-pitch na sila sa amin pareho and excited ako sa project na ito,” pagtatapat ni Piolo.

Samantala, patuloy na ang pag-aartista ngayon ng anak ng aktor na si Iñigo Pascual. Kaya naman mas pinanga­ngaralan na ni Piolo ang anak ngayon. “Tumatanda talaga ang tao. Noong nasa L.A. kami magkasama kami ni Marge (Marjorie Barretto). Sabi ko grabe, pinag-usapan namin ang mga anak namin. Tapos nakita ko si Julia (Barretto), sabi ko mag-ingat kayong dalawa. Hinay-hinay lang, minsan parang nakakatuwang isipin. Si Marge nakakasama-sama ko lang, magkakaibigan kami nina Clau (Claudine Barretto) tapos ngayon mga anak na namin ang artista, pero okay na rin ‘yung gano’n na may pinagkatandaan tayo, and at the same time nakikita natin ‘yung mga anak natin na sila naman ang mag-take over at nabibigyan ng magandang opportunity,” pagbabahagi ng aktor.

Pumapayag na rin daw ngayon si Piolo na magkaroon ng kasintahan ang anak.

John Lloyd may gusto pang maabot bago maging tatay

Hindi na raw nagulat si John Lloyd Cruz nang lumabas ang balitang mayroon na siyang 16 years old na anak kamakailan. Iginiit ng aktor na imposibleng mangyari ang nasabing isyu. “Hindi naman nakakainis kasi medyo common na ‘yan sa amin. Kasi medyo may edad na (‘yung bata), nang kinuwenta ko parang lumalabas 15 years old na ako no’n. Malabo ring mangyari,” natatawang pahayag ni John Lloyd.

Kahit makaharap ng aktor ang bata ay kaya raw niyang sabihin na hindi talaga siya ang tunay na ama nito. “Mahirap naman ‘yun kasi hindi naman tayo nagmamalinis pero bilang lalaki, dapat yata malalaman mo kung meron. Hindi lang lukso ng dugo pero parang ginagawa mo ‘yun eh. Kung ginawa mo ang isang bagay na ‘yun, dapat alam mo. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo alam kung sa’yo ‘yun o hindi ‘di ba? ‘yun lang ang sa akin,” paliwanag ni John Lloyd.

Para sa aktor ay hindi pa rin siya nakahanda upang maging isang ganap na ama. “I’ll become a father ‘pag ready na. hindi pa, siguro in the next few years. Meron pa akong gustong maabot na hindi pa naaabot professionally. So siguro do’n muna ako mag-concentrate,” giit pa niya.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKTOR

ANAK

CLAUDINE BARRETTO

HAWAK KAMAY

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KAHIT

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with