^

Kutob

Oktubre 4, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang biyaya ng pang-unawa ang nagbibigay ng kapayapaan sa buhay ko. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang maki­pagtalo sa kasamahan sa trabaho o kasam-bahay. Ayusin ang mga schedule para hindi magkabuhul-buhol ang gawain o appointment. May pagdedesisyunan na mahalagang bagay. Nasa panig ang katuwiran kung hindi magiging pabigla-bigla. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 33, 34 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ngayon mabubuhos ang kakayahan sa gawain. Kailangan na mag-ingat sa pera, alahas o cell phone habang nasa sasakyan o daan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 25, 33 at nile green.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magplano ng gagawin. Iwasan na maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa isang karamdaman o high-blood. Panindigan ang sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 16, 30, at coral red.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapaghamon ng pagtitimpi. Magtatagumpay sa mahirap na gawain. Ang personal na gawain ay may malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 15, 28 at electric blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang transaksyon ay magtatagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan na makasakit ng damdamin ng kapwa dahil sa masamang salita. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Huwag magsugal at maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 30, at sky blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Unawain at pag-isipang mabuti ang mga detalye bago lumagda sa kasulatan o sumang-ayon. Huwag magtiwala sa mga taong makakaharap. Isang kaibigan na may lihim na galit ang matutuklasan. Ang desisyon na gagawin ay malamang magpahamak sa sarili kung hindi mag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 6, 37 at emerald green. 

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay dahil hindi magtatagumpay sa pakay. Iwasan na matali sa pangako dahil hindi kayang tuparin. May hindi inaasahang dahilan ang makapagpapabago ng desisyon. Ang relasyon na pangpamilya ay mapagtitibay kung gugustuhin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 37, 41 at peach. 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa takbo ng hanap-buhay. Magiging masaya ang pamimili o pagsya-shopping. Mahalagang sundin ang budget. Magkakaroon ng pagbabago ang plano sa paglalakbay o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 24, 40 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Inaayunan ng panahon ang makipag-date o pamamasyal. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. May suwerte sa pag-ibig. Maligaya ang romansa at maaaring hahantong sa pag-iisang dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 29, 32 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag padala sa bugso ng damdamin dahil mapapahamak at pagsisisihan. May balita mula sa ibang bansa ang malamang matanggap. Isang tao na may nunal sa pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 29, 39 at gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung may balak, gawin kaagad. Iwasan ang ugaling mamaya dahil tiyak hindi magagawa na sana’y makapagbibigay ng kabutihan. Kung magiging masipag ngayon, may mapapala. Kung positibo ang iniisip at lalakipan ng kilos may asenso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 24, 40 at beige.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maglingkod ng tapat sa pinapasukan. Patungo sa tagumpay ang landas na tinatahak kung hindi magbabago ang ugali. Mapapaunlad ang kalagayang pinansiyal. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Iwasan na maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 29, 40 at orange.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with