^

Probinsiya

2 tinedyer patay sa clan war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang tinedyer ang napatay  habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos magsagupa ang dalawang angkang magkaaway sa naganap na rido sa Barangay Tacub, bayan ng Malabang, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Major Dante Gania, Public Affairs Officer ng Army 6th Infantry Division, bandang alas-6:30  ng gabi nang sumiklab ang madugong enkuwentro sa pagitan ng magkalabang grupo nina Luminog “Orak Orak” Ali at Sanal Datumanong Torayas.

Lumilitaw na patungong bukirin ang grupo nina Sanal  nang tambangan ng mga armadong grupo ni Orak-Orak.

Rumesponde naman ang grupo ni Commander Asraf Montaner Taug at tinulungan sa bakbakan ang dehadong angkan ni Sanal.

Tumagal ng 15-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang tinedyer na sina Shoaib Tangora, 15; at Oting Kira, 17.

Samantala, nasugatan naman ang tatlo mula sa pangkat ni Torayas  na sina Sanal Datumanong Torayas, Abdulbakair Itogan, at si Daoki Taob. 

Inihayag ng opisyal na wala namang napatay sa grupo ni Orak-Orak habang isinugod na sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng Army’s 6th Infantry Division ang pagpapaigting pa ng seguridad upang mapigilan ang posible pang pagdanak ng dugo sa pagitan ng magkalabang angkan.

 

vuukle comment

ABDULBAKAIR ITOGAN

BARANGAY TACUB

COMMANDER ASRAF MONTANER TAUG

DAOKI TAOB

INFANTRY DIVISION

MAJOR DANTE GANIA

ORAK ORAK

ORAK-ORAK

SANAL DATUMANONG TORAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with