^

Pang Movies

Chynna napaluha nang purihin ni Guy ang akting

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Magkasama sina Nora Aunor at Chynna Ortaleza sa pelikulang Hustisya. Komportable naman na ang aktres dahil nagkasama na sila ng Superstar sa isang proyekto noon.

Kuwento ni Chynna na masarap katrabaho si Guy dahil nakaalalay itong lagi kapag may eksena silang dalawa. Minsan ay na-touched siya at napaluha nang purihin siya ni Guy dahil magaling daw siyang umarte.

“Sarap talaga ng pakiramdam ko dahil isang Nora Aunor ang napahanga ko sa aking pag-arte. Hindi ko siya malilimutan,” aniya.

Sa kabilang banda, isa si Chynna sa ipinagmamalaking kontrabida ng Kapuso Network. Okey lang na malinya sa character role ang aktres dahil challenging ang role at malalaro niya ang ginagampanan. Hindi pa niya nakakatrabaho si Marian Rivera at gusto niyang maging kontrabida nito sakaling gagawa sila ng teleserye o pelikula.

Almost ten years din niyang nakarelasyon si Railey Valeroso pero nauwi rin sa hiwalayan.

“Naka-move on na naman ako at gusto kong mag-focus sa trabaho,” sey ni Chynna.

Sef pinaasa si Kim

Isang mapaghamong papel ang gagampanan ng Kapuso stars na sina Sef Cadayona at Kim Rodriguez sa Love Hotline ngayong Biyernes kung saan ang tanong ng puso ay kung ano ang gagawin mo sakaling na-in love ka sa isang taong super sweet pero friend lang pala ang turing sa iyo?

In love na in love ang pangunahing tauhan na si Katleen (Kim) sa call center agent na si Teddy (Sef) pero lagi siyang dini-deny ng binata. Sa kabila ng pag-aalaga ng binata, ay kaibigan lang pala ang tingin nito sa dalaga.

Samahan sina Jean Garcia at love expert na si TJ Agusto sa totohanang kuwento ng pag-ibig ngayong Biyernes, 4:15 ng hapon sa GMA Network.

vuukle comment

BIYERNES

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

JEAN GARCIA

KAPUSO NETWORK

KIM RODRIGUEZ

LOVE HOTLINE

MARIAN RIVERA

NORA AUNOR

RAILEY VALEROSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with