^

PSN Palaro

Tinalo ang rising suns, Giants inilusot ng tres ni Colina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakagawa ng krusyal na tres si Jan Colina para pangunahan ang Jumbo Plastic Giants sa 70-64 panalo sa Cagayan Valley Rising Suns sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Ito lamang ang 3-poin­ter na pinakawalan ni Colina sa laro at binura nito ang 62-64 kalamangan ng Rising Suns para makatabla uli sa ikalawang puwesto sa pahingang Cebuana Lhuillier Gems sa 4-1 karta.

Si Jerick Canada ay may 14 puntos, kasama ang tatlong three-pointers.

Si Colina ay may siyam na puntos habang ang iba pang malalaking manlalaro ng Giants na sina Michael Parala at Jason Ballesteros ay nagsanib sa 10 puntos at 12 rebounds.

Ang di lamang ikinaganda sa nasabing laro ay nang biglang suntukin ni Jason Melano si Colina matapos tumunog ang final buzzer. Tumakbo agad si Melano patungo sa kanilang dugout habang napigil naman si Colina ng ibang tao na habulin ito para hindi na lumala ang sitwasyon.

Nagtala ng 31 puntos sa ikatlong yugto ang nagdedepensang Blackwater Sports Elite para kunin ang ikatlong sunod na panalo matapos ang limang laro sa 89-74 dominasyon sa Hog’s Breath Café Razorbacks sa ikalawang laro.

Tumapos si Reil Cervantes ng 15 puntos para sa nanalong koponan habang si Kevin Racal ay mayroong 18 para sa Razorbacks na bumaba pa sa 1-5 baraha. (ATan)

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS ELITE

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

COLINA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JAN COLINA

JASON BALLESTEROS

JASON MELANO

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with