^

Pang Movies

Drama actress isinumpa ang nakarelasyong drama actor na mas pinili ang isa pang gf

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw nang makipagkita pa ng drama actress na ito sa dati niyang boyfriend na isang drama actor. Kahit na may nakaraan sila, hinding-hindi na raw niya ito kayang pakisamahan.

Lihim kasing nagkaroon ng relasyon ang dalawa. At kahit ayaw ng magulang ng drama actress sa drama actor ay ipinaglaban pa rin niya ito.

Hindi lang matanggap ng drama actress na niloko siya ng harap-harapan ng drama actor. Noong naging sila, may iba pa palang karelasyon ito.

Noon pa sinasabi sa drama actress na may kahati siya sa drama actor. Ayaw nitong maniwala dahil bulag ito sa pag-ibig sa drama actor. Hanggang sa may magpadala sa kanya ng ebidensiya. May nagpadala sa iPhone ni drama actress ng picture ng drama actor kasama ang ibang babae.

Dun lang siya naniwala. Ang nakakaloka ay kilala ni drama actress ang babae.

Doon na nga nagsimulang awayin ni drama actress ang drama actor. Sinabi ni drama actor na mahal niya silang pareho pero pinamili siya ni drama actress.

Ang masaklap ay mas pinili ng drama actor ang tinatago niyang ibang girlfriend.

Kaya isinumpa ni drama actress na never na siyang magpapakita sa drama actor dahil sobra siyang sinaktan nito.

Tom bibida sa pagsasapelikula ng stage musical na Larawan

Anim na buwan na since natapos ang My Husband’s Lover pero hanggang ngayon ay wala pa ring nasisimulan na bagong teleserye si Tom Rodriguez.

Pero claim ng Kapuso leading man na hindi naman siya naiinip dahil marami naman siyang ginagawa tulad ng pag-guest sa Magpakailanman, mga cooking show, at regional shows for GMA 7.

 â€œPero hindi naman ako nawawalan ng mga ginagawa. I’m also doing two movies. So, busy pa rin tayo as always,” balita ni Tom.

Tinatapos niya ang pelikula na So It’s You for Regal Entertainment, Inc. with Carla Abellana at ang pagsasapelikula ng Larawan: The Musical.

Si Tom ang gaganap na Tony Javier sa naturang pagsasapelikula ng musical na hango sa obra ni Nick Joaquin na The Portrait of the Artist as Filipino noong 1967.

Sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo ang nagwagi ng award na Celebrity Pair of the Year sa PEP List.

Zac Efron pinagdududahan ang pagtirik ng sasakyan sa lugar na bentahan ng droga

Nadale ng mga masasamang tao ang Hollywood actor na si Zac Efron at ang kanyang bodyguard nang maubusan ng gasolina ang kanilang sasakyan sa isang hindi magandang lugar sa downtown Los Angeles sa California, USA.

Dahil sa engkuwentro na iyon, nasuntok ng malakas si Zac sa kanyang bibig. Mabuti na lang at may mga pulis na dumating at natigil agad ang gulo.

Sa kuwento ng aktor sa mga pulis, naubusan  ng gasolina ang kanyang sasakyan sa may Harbor Freeway. Nagtawag siya ng tow truck para kunin sila at naghintay sila ng kanyang bodyguard sa loob ng sasakyan.

Habang nasa loob sila ng sasakyan ay may nag­hagis daw ng mga bote sa labas ng kanilang bintana at muntik na raw matamaan ang tatlong lalaki na nakaupo sa tabi ng pavement.

Sinugod daw sila nito at inakalang binato sila ng bote ni Zac at ng kasama nito.

Ang bodyguard ni Zac ang humarap sa mga ito pero dalawang lalaki ang sumugod dito. Tumulong naman si Zac at sinapak nga siya ng isa pang lalaki.

Sabi nga ng mga pulis na lugar nga ng drug dealers at bad gangs ang napuntahan ni Zac. Wala naman daw inaresto sa kanila dahil isang “mutual combat” lang daw ito.

Ang malaking katanungan ay bakit sa lahat naman daw ng lugar na mauubusan ng gasolina sa sasakyan si Zac ay doon pa sa lugar na maraming nagbebenta ng droga?

Kung matatandaan ay pumasok sa isang drug rehab ang Hollywood actor last year dahil sa paggamit nito ng heroine.

Wala pang maibigay na comment ang representatives ni Zac sa issue na baka gumagamit ulit ito ng ipinagbabawal na droga.

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

AYAW

CARLA ABELLANA

DRAMA

ZAC

ZAC EFRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with