^

PSN Showbiz

Kris sa alegasyon kay James – ‘Hindi niya kayang magbenta ng laro’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Kris Aquino ang dating asawa at basketbolistang si James Yap mula sa mga alegasyong nagbenta ito ng laro sa semi-finals na serye sa pagitan ng San Mig Coffee at Ginebra San Miguel ng PBA.

Lumabas ang mga haka-hakang binenta ni James ang game 6 ng serye nang matawagan ng foul at maimintis ang panabla sanang tira kaya naitawid ng Gin Kings ang laban, 94-91, patungo sa winner-take-all game 7.

“Sa matagal na panahon na kilala ko si James Yap at nakilala ko ang buong pagkatao niya, hindi niya gagawing magbenta ng laro dahil buong buhay niya binuhos niya for that,” wika ng Queen of all media.

“As somebody who used to read the contracts of James Yap, pag pumasok sila sa finals, kahit anong benta ang sinasabi nila, matutumbasan yun ang kikitain nila by making it to the finals," dagdag ni Kris.

Sinabi ni Kris na minsan ay may mga panahong masama talaga ang laro ng isang basketbolista.

“Ganun kalaki ang kontrata niya. There’s no reason for him to sell the game. And at the end of day, you are as good as your last game so good luck James.”

Samantala, inamin ni Kris na wala na siyang galit sa dating asawa.

“I’ve released all the anger from my heart,” sagot ni Kris nang tanungin ni co-host Boy Abunda kung bakit ipinagtatanggol si James.

Nagtagal ng limang taon ang kanilang pagiging mag-asawa mula nang patagong ikasala noong 2005. Napawalang bias ng korte ang kanilang kasala noong 2012.

vuukle comment

BOY ABUNDA

GANUN

GIN KINGS

GINEBRA SAN MIGUEL

IPINAGTANGGOL

JAMES

JAMES YAP

KRIS AQUINO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with