^

Police Metro

Mag-utol rumesbak, nambugbog utas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 31-anyos na lalaki nang ito ay pagtulu­ngang gulpihin at saksakin ng isang mag-utol at barkada bilang ganti sa ginawang pambubugbog ng una sa isa sa mag-utol nanaganap kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Richard Bustillo, kawani ng 2Go Group Incorporated, residente ng 16-C  Sto. Niño St., Herbosa, Tondo, Maynila.Ang mga suspek na tumakas ay kinilalang sina Rommel at kapatid na si Ralph Vargas, tinatayang nasa edad 24 hanggang 30, kapwa
nakatira sa Pabahay ni FVR sa Sta. Maria, Bulacan, alyas Jedpoy, Cristy at Pipper.

Batay sa ulat, dakong alas 12:05 ng madaling-araw ay bibili ng pagkain ang biktima kasama ang kapatid na si Thelma, 25 sa tindahan nang madatnan ang grupo ng mga suspek na nag-iinuman.

Agad sinugod ng mga suspek ang biktima at pinagpapalo ng hawak nilang bote ng alak habang ang iba ay bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang una.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala ng kapatid sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nabatid sa pulisya na kamakalawa ng gabi ay nakaalitan at binugbog ng biktima ang suspek na si Ralph na posibleng nagsumbong sa kuya nito kaya ginantihan ito.

 

vuukle comment

BATAY

BULACAN

GROUP INCORPORATED

HERBOSA

JEDPOY

MAYNILA

RALPH VARGAS

RICHARD BUSTILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with