^

Police Metro

Tricycle nag-overtake, nasalpok... 6 todas sa dump truck

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang 6 katao habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na salpukin ng isang dump truck ang sinasakyan nilang tricycle matapos na mag-overtake kamakalawa ng gabi sa national highway ng Pikit, North Cotabato.

Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina Ibrahim Casanova; Rakh­ma Casanova; Tayan Zakaila; Abil Kamid; Rahima Casanova kapwa mga pasahero at tricycle driver na si Bagits Alimudin. Habang nasa kritikal na kondisyon ang isang Rahima Casanova.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng gabi habang bumabagtas sa lugar ang Honda tricycle (6365) na minamaneho ni Alimudin ga­ling sa Health Center sa Poblacion ng bayang ito lulan ang anim na pasahero nang maganap ang trahedya.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano sa sinusundang behikulo ang tricycle na minalas namang mahagip ng paparating na Volvo ten wheeler dump truck (MEL 721) na nakarehistro kay Abdillah Satol.

Tumakas ang  dri­ver ng dump truck na pinagha­hanap ns ng pulisya.

 

vuukle comment

ABDILLAH SATOL

ABIL KAMID

ALIMUDIN

BAGITS ALIMUDIN

HEALTH CENTER

IBRAHIM CASANOVA

NORTH COTABATO

RAHIMA CASANOVA

TAYAN ZAKAILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with