^

Metro

Onsehan sa droga, lalaki tinodas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binaril at pinatay ng isang drug pusher­ matapos hindi makabayad ang biktima sa kinuha nitong shabu kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Rogelio Bausa, nasa hustong gulang,  ng Sitio Santo Niño, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS)  ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Ryan,  ng Cattleya St., ng naturang barangay.

Ayon sa pahayag sa Navotas City Police ng saksing si Alvin Abon, naganap ang insidente  alas-10:35 ng gabi sa Sitio Santo Niño,  Barangay NBBS ng naturang siyudad.

Sinisingil ng suspek ang biktima sa kinuha umano nitong shabu na halagang P1,800,  subalit nagpaliwanag si Bausa na wala pa siyang pambayad.

Dahil dito ay nagalit ang suspek hanggang sa nagtalo ang dalawa  at dito na binunot ni Ryan ang dala nitong baril at pinutukan sa ulo si Bausa na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang naturang suspek at iniwan nito ang walang buhay at duguang biktima.

 

vuukle comment

ALVIN ABON

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

BAUSA

CATTLEYA ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

ROGELIO BAUSA

SITIO SANTO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with