^

PM Sports

Mag-utol na Ceniza sumira ng rekord sa Batang Pinoy

Russell Cadayona - Pang-masa

BACOLOD CITY, Philippines -- Na­nalasa ang mga atleta ng Cebu City sa pamama­gitan ng dalawang magkapatid na nagposte ng mga bagong rekord sa weightlifting at tat­lo sa apat na gintong medalya sa lawn tennis ang kanilang inangkin sa pagtatapos ng Batang Pinoy National Finals 2013 kahapon.

Naghalinhinan sa pagbura ng marka ang mag-utol na sina Jhon Febuar at Evangelito Dale Ceniza sa weightlifting event.

Bumuhat ang 15-an­yos na si Jhon Febuar ng mga bagong rekord sa boys 46-kilogram snatch, clean and jerk para sa kabuuan niyang 63kg, 76kg at 139kg, ayon sa pagkakasunod.

Sinira ni Jhon ang mga dating rekord ni Elbert Ati­lano ng Zamboanga sa snatch (55) at total (125) no­ong 2011 at ang itinala ni Clark Cui Co ng Cebu sa clean and jerk (75).

Naglista rin ng bagong marka ang kanyang kapatid na si Evangelito Dale sa boys 42kg mula sa buhat na 60-80-140 para bu­rahin ang 45-70-106 ni Kenneth Bumagat ng Zam­boanga City noong 2012 sa Tacloban.

Nagsumite rin ng mga bagong rekord si national pool member Elien Rose Perez ng Bohol sa isinumiteng 57-62-119 sa girls 48kg para basagin ang 50-61-111 ni Margaret Co­lomia ng Zamboanga Ci­ty noong 2012 sa Tac­loban.

Nagdomina naman ang Cebu City sa lawn ten­nis nang kunin ang tat­lo sa apat na gintong me­dalya sa mga panalo nina Jan Godfrey Seno, Zethley Alferez at Jana Pages.

Nanalo si Seno sa boys singles, habang nag­reyna si Alferez sa girls singles at nakipagtambal kay Pages sa girls doubles.

Ang Negros Occidental ang pumitas sa gintong medalya ng futsal event.

 

vuukle comment

ANG NEGROS OCCIDENTAL

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

CEBU CITY

CLARK CUI CO

ELBERT ATI

ELIEN ROSE PEREZ

EVANGELITO DALE

JHON FEBUAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with