^

Probinsiya

Principal kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang  elementary school principal matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang mga salarin  sa loob ng tahanan nito sa Brgy. Lanao Kuran, Arakan, North Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Idineklarang dead-on- arrival sa Arakan District Hospital sa tinamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Renato de Pedro, principal sa Lanao Kuran Elementary School sa nasabing bayan.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ni Cotabato Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Danilo Peralta, naganap ang krimen sa lugar dakong alas-8:40 ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bago ito ay pinagbabato umano ng ilang kalalakihan ang bahay ng biktima.

Ilang saglit pa ay puwersahan ng pinasok ng mga salarin ang tahanan ng biktima saka pinagtulungan itong pagsasaksakin.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga posibleng testigo sa krimen na nakakita sa mga suspek na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa agarang ikareresolba ng kaso.

 

vuukle comment

ARAKAN DISTRICT HOSPITAL

CAMP CRAME

COTABATO PROVINCIAL POLICE OFFICE

DANILO PERALTA

DIRECTOR P

LANAO KURAN

LANAO KURAN ELEMENTARY SCHOOL

NORTH COTABATO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with