^

Pang Movies

Aktres nagmaldita sa saleslady

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Paborito pa naman ng isang saleslady ang isang aktres dahil puno siya ng talento. Pero nadismaya nang malaman at maranasan kung gaano kagaspang ang pag-uugali. Kung titingnan kasi ay napaka-sweet niya at very friendly pa. Hindi pala!

Ayon sa saleslady, minsan ay nagtungo sa ladies section ang aktres para bumili ng blouse. May natipuhan siyang isukat kaso masikip sa kanya. Tinanong ang saleslady kung meron pang ibang size.

‘‘Wala na po. Nag-iisa na lang ’yan,’’ sagot niya.

Makulit ang aktres at ipinagpipilitan na maghanap ng ibang sizes sa kursunadang blouse. Ang kaso, talagang wala na nga. Hanggang sa umalis ay pinagpipilitan pa na maghanap pa ang saleslady ng ibang size. Umalis ito na simangot na simangot sa mga tao sa store.

Sharon enjoy sa barangay

Enjoy na enjoy si Sharon Cuneta sa karakter niya bilang Madam Chairman na nakaka-relate rin siya kahit paano lalo na kung may problema sa nasasakupan. Mataas ang rating ng programa dahil napapanahon din kaya inspirado ang lahat sa pagteteyping.

Kadalasan ay nagdadala ng pagkain sa set ang Megastar kaya higit na nagkakaroon sila ng bonding.

Nagdaos din ng prayer meeting ang cast at production staff ng programa bilang pasasalamat dahil sa magandang feedback nito.

Magaling sa ad lib si Sharon lalo na sa mga nakakatawang eksena kaya puring-puri siya nina Direk Joel Lamangan at Soxy Topacio.

Tee Jay tumutulong sa lola

Nakilala si Tee Jay Marquez sa komersiyal ng sarsa ng lechon at nakasama sa Tween Hearts at Walang Tulugan with Master Showman. Maganda ang role niya ngayon sa Pyra: Babaeng Apoy bilang ka-trayanggulo sa pag-ibig nina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.

Nag-iisang anak lang ang young actor pero hindi close sa kanyang daddy at ang kanyang ina naman ay may ibang buhay na sa Japan. Mabuti na lang at pinalaki siya at minahal ng kanyang lola. Nakakatulong na sa kanyang lola si Tee Jay dahil siya ang sagot sa groceries at iba pang gastusin sa bahay.

 

vuukle comment

BABAENG APOY

DIREK JOEL LAMANGAN

JERIC GONZALES

MADAM CHAIRMAN

MASTER SHOWMAN

SHARON CUNETA

SOXY TOPACIO

TEE JAY

TEE JAY MARQUEZ

THEA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with