^

Metro

Binugbog ng 2 kaklase 9-anyos apo ng tabloid reporter, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang 9-anyos na apo ng isang tabloid reporter makaraang pagtulungang bugbugin umano ng dalawa niyang kaklase sa loob ng paaralan sa Malabon City, kama­kalawa ng umaga.

Inoobserbahan ngayon sa Children’s­ Hospital makaraang magtamo ng pinsala ang atay at baga ng biktimang si Fred Mendoza, grade 4 pupil­ ng Tañong Unit I Elementary School.  Ang biktima ay apo ni Maeng Santos, reporter ng pahayagang Bulgar.

Nakatakdang ipagharap naman ng reklamo ang mga magulang ng mga kaklase ng biktima na nasa edad 9 at 11-taong gulang.

Sa ulat ng Malabon City Police, nag­lalaro ang biktima sa school grounds dakong alas-10:30 ng umaga habang “break time” nang lapitan ng dalawang bata at pagkatuwaan. Hinubaran pa umano ng isa sa mga suspect na bata si Mendoza habang sinuntok at sinipa ito sa sikmura ng isa pa. Dito umano pumalahaw ng iyak at namilipit sa sakit ng tiyan ang biktima. Agad na umuwi ito ng bahay at nagsumbong sa mga magulang.

Kinagabihan, patuloy na nanginginig sa sakit ang batang biktima, walang puknat sa pag-iyak at mataas ang lagnat kaya napilitan ang mga magulang na isugod na ito sa pagamutan.  Dito nabatid sa mga manggagamot na naapektuhan umano ang atay at baga nito dahil sa pambubugbog.

Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente ng panibagong pambu-bully kung saan inaalam rin kung may pananagutan dito ang mga guro at pamunuan ng paaralan.

vuukle comment

DITO

FRED MENDOZA

HINUBARAN

MAENG SANTOS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

UNIT I ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with