^

PSN Showbiz

Lala Vinzon, may inilabas na Ako...at Karma!

Pilipino Star Ngayon
Lala Vinzon, may inilabas na Ako...at Karma!
Lala Vinzon

Naglunsad ang soul-pop singer na is Lala Vinzon ng dalawang awitin, Ako at Ikaw Lang at Karma, sa ilalim ng alternative-rock record label ng ABS-CBN na DNA Music.

Si Lala mismo ang sumulat ng mga kanta na iprinodyus naman ni DNA Music label head Gab Tagadtad.

Isang pop-alternative love song ang Ako at Ikaw Lang na tungkol sa pagpili ng dalawang nagmamahalan sa isa’t isa, anuman ang sinasabi ng ibang tao. Humugot ng inspirasyon si Lala sa young love para sa kanta na nagtatampok ng emosyonal at romantic lyrics.

Napapanood na ang kanyang Ako at Ikaw Lang performance video simula noong Biyernes (Hulyo 31) sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Samantala, isang reggae song naman ang Karma na base sa popular na tongue twister subalit may malalim na kahulugan, ayon sa TikTok post ni Lala.

Dala nito ang perspektibo ng isang anak na nasaksihan ang pagtataksil ng isang magulang at mga kinahinatnan nito.

Tampok din sa kanta ang Pinoy culture gamit ang mga linyang Tagalog, Kapampangan, at Hiligaynon.

Unang nakilala si Lala bilang first runner-up sa first season ng The Voice Teens ng ABS-CBN kung saan napabilang siya sa Team Bamboo.

Isa rin siyang pianist, aktres, at lifestyle influencer. Hatid niya sa kanyang musika ang halaga ng self-discovery at female empowerment.

Napapakinggan na ang Ako at Ikaw Lan  at Karma ni Lala sa iba’t ibang streaming platforms.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with