Koreano kulong sa panggugulpi sa ka-live-in na Pinay

MANILA, Philippines — Isinuko ng mga security personnel ng isang condominium sa Pasay City Police Station ang isang South Korean national matapos awatin sa patuloy na panggugulpi sa isang Pilipina sa loob ng kanilang unit, sa Pasay City, noong Sabado ng gabi.
Nahaharap ang suspek na si alyas “Hyun”, 36, sa paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ng Hulyo 11 nang dakpin ang suspek sa isang unit ng condo, sa Roxas Boulevard Service Road, Barangay 7, Pasay City.
Tumatakbong pababa ng lobby ang 26-taong-gulang na live-in partner ng suspek at naalarma ang security guard na naka-duty.
Sa imbestigasyon, isiniwalat ng suspek na maraming pagkakataon na ginawa sa kanya ang pananakit at hindi nakayanan ang mas matinding ginawa noong Sabado.
- Latest
















