Tserman sa Quirino, inaresto sa ‘perjury’ a Tserman sa Quirino, inaresto sa ‘perjury’
CABARROGUIS, Quirino, Philippines — Isang Barangay Chairman ang dinakip ng mga awtoridad kaugnay sa kasong perjury o pagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa sa bayan ng Aglipay sa lalawigang ito kamakalawa.
Kinilala lang ang nadakip na punong barangay sa alyas na “Jan”, residente ng nasabing bayan.
Inaresto ng mga awtoridad ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 32, Cabarroguis, Quirino.
Ayon sa korte, maaaring magbayad ng halagang P72,000 ang barangay chairman para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
Nasa pangangalaga na ng pulisya ang Kapitan para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng naglabas ng kanyang warrant of arrest.
- Latest


















