^

Bansa

ICC inaasahan na dadalo si Duterte sa Setyembre 7 conference

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC inaasahan na dadalo si Duterte sa Setyembre 7 conference
Former president Rodrigo Duterte attends first ICC hearing via videolink.
Philippine Star / Facebook page

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III na inaasahan ng korte ang personal na pagdalo ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa isang status conference sa Setyembre 7 sa kanyang kasong crimes against humanity.

Ayon sa ICC, ang status conference ay isang mahalagang proseso bago ang paglilitis sa huling bahagi ng taong ito.

Sa ikalawang status conference na ginanap sa The Hague noong Martes, Hunyo 23, binanggit ni Presiding Judge Joanna Korner na ang pagliban ni Duterte ay pinalampas dahil inaasahang magiging maikli ang pagdinig.

“Again, Mr. Haynes, we’ve excused your client’s attendance today, but as I think we made clear, it’s only because it’s a relatively short hearing,” sabi ni Korner sa lead counsel ni Duterte na si Peter Haynes.

Aminado si Haynes ang inaasahan ng chamber na si Duterte ay lilitaw sa mga susunod na proseso.

Pansamantalang nag-iskedyul ang chamber ng mga karagdagang conference sa Hulyo 14, Setyembre 7, Oktubre 13, at Nobyembre 2, bagama’t sinabi ni Korner na ang ilan sa mga petsa ay maaaring kanselahin kung walang mga bagay na kailangang talakayin.

Hindi pa muling nakita ng publiko si Duterte simula nang unang siyang humarap sa ICC noong Marso 14, 2025, nang lumahok siya sa pamamagitan ng video link mula sa ICC Detention Center sa The Hague.

ICC

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with