PANOORIN: Bwelta ng depensa, kinwestyon ang kakayahan ng testigo
MANILA, Philippines — Tatlong mahahalagang pangyayari ang namarkahan sa ikatlong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Hulyo 8.
Sa cross-examination, kinuwestiyon ng depensa ang imbestigasyon at paghawak ng NBI sa video evidence, habang iginiit ni NBI senior agent John Mark Calilung na authentic ang video batay sa kanyang digital forensic examination.
Ipinakita rin ng depensa ang video ni Zuleika Lopez habang nasa House detention noong 2024 upang ipaliwanag ang konteksto ng mga naging pahayag ni Duterte.
Samantala, iginiit ng defense na wala pang naipapakitang ebidensya ang prosecution na nagpapatunay na kumuha ng assassin ang bise presidente.
Magpapatuloy ang paglilitis sa Lunes, Hulyo 13.
- Latest


















