^

PSN Showbiz

Bagong Pangalan, Bagong Karera

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Naging suki namin noon ang modelong si MJ Labs sa Youtube channel naming WTFu. (parang may paninda kami ha!) Maliban sa one on one interview namin, sumalang din sya sa iba’t iba naming reality shows. (mukhang malakas sa talent coordinator namin!)

Tumigil sya sa pagmo-model at nagdesisyong magtrabaho sa isang call center sa Malaysia.

Tumagal sya rito ng tatlong taon. Pagbalik ng Pinas, naisipan nyang i-revive ang career sa pagsali sa mga bikini contest. (na-miss mag t-back?!)

“Naging trabaho at bahay lang ako sa Malaysia. Walang ibang raket.

Kaya pagbalik ko naisipan kong bumalik sa pagsali sa pageant. Nagkasunod-sunod,” pagbabahagi ni MJ. (susunod lang ako sa gusto mo, bro!)

Sa kanyang pagbabalik, MJ Martin na ang gamit niyang pangalan: “Wala lang. syempre comeback, kaya bagong pangalan naman.” (pero labs pa rin kita, bro!)

Ang mga pagsali nya sa mga bikini contest ay madalas laman ng mga content at reels ng mga creators na nagko-cover ng ganyang klase ng event. (favorite syang kuhanan?!) Kaya maraming viewers ng WTFu ang nagre-request na bumalik sya sa show namin. (may fans club?!)

“Nagpapasalamat lang ako sa mga nakaka-appreciate sa akin lalo na matagal akong nawala pero nandyan pa rin yung suporta,” paghahayag ni MJ. (support kita bro, hug mo ko!)

Pinasok na rin nya ang pagiging ledge dancer sa mga party clubs at all male spa. “May mga wet area ng spa, na may ledge, dun kami sumasayaw habang nagre-relax sila.” (pati sa wet area talaga may ledge na?!)

Palaban na rin pati sa aktingan ang 28-anyos na binata. Kakapirma lang nya sa Vivamax kung saan willing sya gawin ang anumang ipagawa sa kanya. (pang all the way si kuya!) Hindi rin daw nya papalagpasin kahit pa gumanap sya sa gay films. Sina Rocco Nacino at Piolo Pascual ang pangarap nyang maka-eksena: “Feeling ko swak kami ni Rocco sa screen. Si Piolo naman, syempre Piolo na ‘yan. Papa P, romansahin kita!” (may pagromansa talaga, bro?!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

NAKNGFU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with