Russian nangmanyak sa elevator, kinasuhan
MANILA, Philippines — Isang Russian citizen ang sinampahan ng reklamong acts of lasciviousness ng isang Pilipina dahil sa panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan at tangkang panghahalik, sa Taguig City, noong nakalipas na buwan.
Ayon sa complaint-affidavit na inihain sa Taguig City Prosecutor’s Office, ang suspek na nanunuluyan sa isang condominium at kawani umano ng Russian Embassy sa Pilipinas, ang gumawa ng kahalayan sa kanya sa labas at loob ng elevator noong Hunyo 5, 2026.
Sa reklamo ng biktima, naghihintay siya para sumakay sa elevator ng isang condominium nang bigla siyang hawakan sa likod at puwet na nagtagal ng 3 segundo.
Hindi agad siya nakapag-react sa pagkabigla, natakot at hindi makapaniwala sa pangyayari.
Hindi umano niya magawang makalabas agad ng elevator dahil nakorner siya hanggang sa lumabas na ang suspek.
Sinubukan na rin aregluhin ng suspek at humingi ng apology at nangako na paalisin na sa panunuluyan sa condominium at magbibigay ng pera bilang kumpensasyon, na kanyang tinanggihan.
Idinulog niya ang kaso sa Violence Against Women and Children (VAWC) Desk ng Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City.
- Latest






















