Tab Baldwin, humarap na sa NBI sa kaso ng 2 Atenista

MANILA, Philippines — Humarap na sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes si dating Ateneo coach Tab Baldwin kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Dumating si Baldwin sa NBI headquarters sa Pasay City kasama ang kanyang abogado ngunit hindi na nagbigay ng pahayag sa media.
Kabilang si Baldwin sa 20 indibidwal na pinadalhan ng subpoena ng NBI para sa fact-finding investigation. Sinisilip ng mga awtoridad ang posibleng paglabag sa Anti-Hazing Act at iba pang batas.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, malapit nang matapos ang imbestigasyon at nakahanda na rin ang autopsy reports ng dalawang biktima para sa kanilang mga pamilya.
Target ng NBI na tapusin ang imbestigasyon ngayong linggo.
- Latest





















