^

Metro

Pekeng doktor arestado sa alok na ‘bolitas’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pekeng doktor arestado sa alok na ‘bolitas’
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng nagpapanggap na doktor nang salakayin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hotel room na nirentahan para sa operasyon ng pagpapalaki ng ari, sa Parañaque City, iniulat nitong Biyernes.

Ayon kay NBI spokesperson Atty. Palmer Mallari, hepe ng Fraud and Financial Crimes Division, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng mag-asawa matapos pagdudahan ang nagpakilalang doktor na isasagawa ang enlargement procedures sa isang hotel room, sa halip na klinika o ospital.

Dahil sa reklamo, ikinasa ang entrapment operation noong Hulyo 28, sa mismong iskedyul na ibinigay ng suspek, para sa pagpapalaki ng ari ng lalaki.

Nakilala lang umano ang suspek matapos irekomenda ng mga kakilala at kaibigan na mga dating kustomer kaya agad na nagbigay ng non-refundable deposit na P2,000.00 ang mag-asawa nang magkasundo sa halagang P25,000 sa halip na P50,000 kabuuang bayarin sa enlargement procedures. 

Sa aktong nakasuot na ng laboratory gown na puti at nakahanda na ang mga normal na kaga­mitan sa isasagawang procedures, pinasok ng mga ahente ng NBI ang silid ng isang hotel.

Natuklasan ng NBI na bukod sa alok na injectable fillers para palakihin ang ari ng lalaki, nag-aalok­ din ng paglalagay ng bolitas sa mismong ari ng lalaki para sa enhancement ng pakikipagtalik at iba pang non-geni­tal medical procedures.

Bago ang entrapment operation, naberipika sa Professional Regulation Commission (PRC) na hindi lisensyadong doktor ang suspek.

Nagbabala rin si Mallari sa publiko na mala­king banta sa kalusugan ang pagpatol sa mura at unregulated medical procedures.

Nahaharap na ang suspek sa reklamong paglabag sa illegal practice of medicine sa ilalim ng Medical Act of 1959.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with