Gulo sa Senado mula sa mga kaalyado ni VP Sara – Palasyo
MANILA, Philippines — Dahil sa mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte kaya nagkakaroon ng kaguluhan sa Senado.
Ito ang buwelta ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa pahayag ng Bise Presidente na ang nangyayaring gulo ngayon sa Senado ay sumasalamin sa liderato ng administrasyon at kawalan ng direksyon ng ating bansa.
Giit ni Castro, nasa record naman na ang putukan na nangyari sa Senado ay hindi ipinag-utos ni Pangulong Marcos kundi pinayagan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Gayundin ang pagpunta ni Sen. Ronald dela Rosa ay dahil sa pamimilit aniya ni Sen. Cayetano para bumoto sa pagpapalit ng liderato at para mabasura ang impeachment at proteksyunan si VP Sara.
Maging ang pagpapatakas aniya kay dela Rosa sa tulong ni Sen. Robin Padilla ay hindi nanggaling ang utos sa Pangulo.
Giit pa ni Castro, ang Pangulo ay patuloy na nagtatrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino lalo na sa kinakaharap ngayong global oil crisis at ang nangyaring lindol sa Mindanao.
- Latest



















