^

PM Sports

Gilas mas mabagsik sa mga susunod na laban

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang mas lalo pang magniningning ang Gilas Pilipinas dahil sa mga batang players na susunod na magdadala sa bandila ng Pilipinas sa mga international tournaments.

Isa na rito si Kai Sotto.

Mismong si Sotto ang humanga sa mga kapwa players nito sa Gilas Pilipinas core matapos ang dalawang sunod na panalo ng kanilang tropa sa FIBA World Cup Asian Qualifiers second round.

Naglaro ang Gilas na wala si naturalized player Justin Brownlee.

Ngunit nagawang pataubin ng Pinoy cagers ang Asian powers na Iran at Jordan para makumpleto ang matamis na sweep sa home games ng Gilas.

Isa si Sotto sa tunay na naasahan ng Gilas.

Ngunit hindi nito kina­limutan ang kontribusyon ng bawat isa kabilang na ang mga kapwa batang Gilas players nito gaya nina Carl Tamayo, Dwight Ramos, AJ Edu, Kevin Quiambao at Juan Gomez de Liaño.

“These are young guys who have a really bright future for the national team. And I think this window was a good, a big challenge for us without Justin,” ani Sotto.

Sinabi ni Sotto na mas tumataas ang kumpiyansa nito sa tulong ng kanyang mga teammates. 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with