Morant babandera sa Blazers
LAS VEGAS — Handa na si point guard Ja Morant para sa kanyang ‘fresh start’ matapos ang offseason trade kung saan ibinigay siya ng Memphis Grizzlies sa Portland Trail Blazers.
Apat na beses tinulungan ng two-time All-Star guard ang Grizzlies na makapasok sa playoffs sa kanyang seven-year run.
Ngunit naging komplikado ang kanyang relasyon sa Memphis team dahil sa ilang gun-related suspensions noong 2023.
“What would I like cleared up? I think you know the answer to that. My image. That I’m a bad guy,” sabi ni Morant sa kanyang unang public comments makaraan ang June trade.
Pinatawan si Morant ng isang eight-game suspension noong Marso ng 2023 dahil sa paglabag sa patakaran ng NBA kasunod ang isang 25-game ban sa pagsisimula ng 2023-24 season dahil sa pagdidisplay niya ng baril sa Instagram livestream.
Ibinigay ng Grizzlies ang 26-anyos na si Morant sa Blazers kapalit nina forwards Jerami Grant at Kris Murray.
- Latest

















