^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (251)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAKONG hapon, masayang nag-inuman sina Reagan, Lincoln at Bino. Nagselebreyt sila sa nalalapit na pagiging ama ni Reagan.

Nagpresenta si Bino na magluluto ng pulutan.

‘‘Patitikimin ko kayo nang bagong luto sa manok. Talo pa ang mga nabibiling litsog manok sa Maynila!’’ sabi ni Bino.

‘‘Talaga Bino? Masarap talaga?’’ tanong ni Reagan.

“Oo Manedyer. Hindi mo malilimutan ang lasa, ha-ha-ha!’’

“Sige nga, Bino. Magluto ka na ng manok na sinasabi mo,’’ sabi ni Lincoln at tinapik-tapik sa braso si Bino.

Sinimulan nang magluto ni Bino. Isang native na manok na nilitson sa inimbento niyang bumbong na kawayan. Isinilid niya ang marinated na manok sa malaking kawayan, tinakpan ang bunganga nito at saka tinusok sa gitna nang nagbabagang uling.

Habang naghihintay na maluto ang manok, umakyat siya sa punong niyog at kinuha ang special na tuba. Apat na litro ang nakuha niyang special tuba. Fresh na fresh ang tuba.

Makalipas lamang ang isang oras ay luto na ang manok na niluto sa bumbong na kawayan.

Hindi makapaniwala sina Reagan at Lincoln nang buksan ni Bino ang kawayan na may manok. Mapulang-mapula at malutong ang balat ng litsong manok.

“Ang bango, Bino!’’ sabi ni Reagan.

“Dahil sa spices na nilagay ko, Manedyer.’’

Hiniwa-hiwa ni Bino ang litsong manok. Lalo nang nasamyo ang bango.

Dumampot ng isang piraso si Lincoln. Kinagat. Hindi makapaniwala sa sarap ng pagkakaluto.

‘‘Malinamnam! Walang kasing sarap ang manok mo Bino!’’

Sinimulan nila ang inuman. Match na match ang tuba sa litsong manok.

Masayang-masaya si Reagan. Maraming nainom na tuba kaya nagwating-wating ang paningin.

‘‘Ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Magi­ging tatay na ako!’’

‘‘Congrats Manedyer!’’

“Salamat Bino.’’

(Itutuloy)

 

LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with