^

Probinsiya

P13.4 milyong puslit na yosi nasabat ng PCG sa Misamis Oriental

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang aabot sa P13.4 milyong halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa isinagawang anti-smuggling operation sa Balingasag, Misamis Oriental kamakailan.

Ayon sa PCG, nasa 336 kahon ng hinihina­lang smuggled cigarettes, kasama ang dalawang behikulo, ang nakumpis­ka ng kanilang mga tauhan sa Barangay Mambayaan noong Hunyo 12.

Ang mga naturang nakumpiskang items ay sumailalim na umano sa kaukulang dokumentasyon at imbentaryo bago pa man mai-turned over sa Bureau of Customs (BOC) Region X noong Hunyo 15 para sa mas malalimang imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Anang PCG, ang operas­yon ay isinagawa sa ilalim ng kanilang pinaigting na Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) program, na naglalayong palakasin pa ang maritime law enforcement at sugpuin ang ilegal na kalakaran.

Bahagi anila ito ng patuloy nilang pagsusumikap na suportahan ang anti-smuggling campaign ng pamahalaan, protektahan ang kita ng pamahalaan at bantayan ang pang-ekonomiyang interes ng bansa.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with