^

Bansa

PANOORIN: Marcos sa kaso ni Romualdez: 'Hindi ako pangulo ng aking pamilya'

Philstar.com

MANILA, Philippines — Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa pagtalakay sa imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa flood control projects na una niyang inilantad noong 2025.

Sinabi ni Marcos na mayroon nang mga kontratista, matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga mambabatas na nakasuhan at nakulong kaugnay ng isyu.

Ayon sa pangulo, malapit na rin umanong magsampa ang Ombudsman ng patong-patong na kaso laban sa isang dating House speaker.

“Hindi ako pangulo ng aking pamilya. Hindi ako pangulo ng aking kaibigan. Ako ang pangulo ng Pilipinas,” ani Marcos sa kanyang talumpati.

Sinabi rin ng pangulo na nasa halos P25 bilyon na ang halaga ng mga pera at ari-arian na nabawi, na-freeze, at na-preserve mula sa mga sangkot sa umano’y katiwalian.

Ayon kay Marcos, ang mga mababawi mula sa mga sangkot ay ibabalik sa kaban ng bayan.

Ang flood control anomalies ang isa sa mga pangunahing isyung binigyang-diin ni Marcos sa kanyang ikaapat na SONA noong 2025, kung saan ipinag-utos niya ang malawakang imbestigasyon sa mga umano’y pekeng o substandard na proyekto.

BONGBONG MARCOS

MARTIN ROMUALDEZ

SONA 2026

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with