^

PSN Showbiz

Heart, umani ng lampas 100 milyong views sa PFW!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, umani ng lampas 100 milyong views sa PFW!
Heart Evangelista.
STAR/ File

Bongga, mahigit 100 million views na pala ang mga social media video ni Heart Evangelista mula sa Paris Fashion Week.

Bukod pa ito sa libu-libong likes and comments na nakukuha ng bawat social media post ng style icon, ayon sa computation na ginawa ng kanyang fans and followers.

Pinunto nila na ang bilang na ito ay nagpapatunay na inaabangan ang social media posts ni Heart lalo na tuwing dumadalo siya sa iba’t ibang fashion events sa Europe.

Sabi ng followers ni Heart, nakakaaliw at informative ang mga sine-share ng artist-entrepreneur sa kanyang Facebook and Instagram pages dahil kapupulutan ang mga ito ng fashion tips and latest trends.

Ayon din sa fans ni Heart, masasabing kabilang ang fashion and lifestyle influencer sa “chosen few” sapagkat si Heart ay naiimbitahan sa mga event na kinabibilangan ng maraming international celebrity.

Sa ngayon, balik sa Pilipinas siya matapos siyang um-attend sa ilang sikat na fashion event sa Europe.

Sa kabila ng napakalaking bilang ng engagement ni Heart sa social media, binigyang-diin niya na ang kanyang mahabang karanasan sa show business at fashion ay nagpapakita ng pagsisikap at kalidad na inilalaan niya sa kanyang trabaho.

Sa isang post sa social media, inalala ni Heart na nagsimula siya sa mundo ng fashion noong siya’y 13 years old pa lamang.  “13 years old to 41, after 28 years, and I still get to do what I love. fashion week is officially over. thank you for the love and support. it was never about the numbers or likes but the number of years staying in this industry. stay kind, grateful and humble:),” sabi ng fashion guru.

Sumasang-ayon ang kanyang fans sa kanyang pahayag—na ang pagiging mabait, marunong magpasalamat, at mapagpakumbaba ay dapat manatili sa tao sa anumang propesyon.

Well, at least,  muling napatunayan ni Heart, sa katatapos lamang na Paris Haute Couture, na malaki ang impact niya sa fashion world.

Ang Paris Haute Couture ay itinuturing na pinakatuktok ng “custom-fitted” at “high-end” fashion, na pinangangasiwaan ng Fédération de la Haute Couture et de la Mode. Idinaraos ito nang dalawang beses sa isang taon sa Paris, France. 

HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with