^

PSN Showbiz

Jake, ipinagluksa ang hiwalayan sa mga ex!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake, ipinagluksa ang hiwalayan sa mga ex!
Jake Cuenca.
STAR/ File

Maraming aktres na ang naging kasintahan ni Jake Cuenca sa nakalipas na dalawang dekada.

Para sa aktor ay mayroong magandang naidudulot sa kanyang pagkatao ang bawat hiwalayan na kanyang naranasan. “You get to know yourself. It made me a better person every time I go through one, at least for me. I associate breaking up with grieving. A piece of you passed away. The attachment for that certain person. You go through all stages of emotions. One point, maawa ka sa sarili mo. One point, you are proud of the wound. One point, you don’t want to socialize,” makahulugang bungad ni Jake.

Ngayon ay ang beauty queen na si Rabiya Mateo na ang bagong nobya ng aktor. Proud umano si Jake sa pagpupursige ng dalaga na makapagtapos ng kursong medisina. “Sobra, I am so proud of her. The mountain she is about to climb as UST Med is not easy. That is a different mountain. I have so much respect and naka-support ako sa kanya all the way,” paglalahad ng binata.

Ayon kay Jake ay malaking epekto sa trabaho bilang isang aktor kapag masaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Para sa aktor ay mas nagiging epektibo ang kanyang pagganap kung mayroong nagpapatibok sa kanyang puso. “When I’m happy I feel I am at best. It is easier for me to access emotions and control certain trauma and sad emotions because I am in a happy place. When you are sad, mahirap, parang doble,” paliwanag ng aktor.

Samantala, magbibida ang binata sa The Art of Breaking Up na malapit nang mapanood sa PETA Theater.

Marami raw mapaghuhugutan ng emosyon si Jake sa entablado mula sa kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig noon. “Theater is really a craft. With this sensitive topic comes an opportunity to put real experiences on stage. For me personally, I found myself using these words in many different phases of breaking up and grieving.

“I am excited to unpack all these things in the play. I am looking forward to show them what I have been through in the past,” pagbabahagi ni Jake.

Will, maraming natutunan sa mga beterano

Nagsimula na ang taping nina Mika Salamanca at Will Ashley para sa Delivery Boi.  Excited na ang Kapuso actor para sa bagong comedy series ng GMA Network.

Ibang-iba ang tema ng proyektong ito nina Will at Mika na sinasabing tawa-serye kumpara sa kanilang mga nagawa noon. “Of course, super excited kasi iba ‘to eh sa mga napagsamahan namin before eh. Panibagong journey para sa aming dalawa. I’m very excited. Nag-uusap nga rin po talaga kami eh. So naghahanda po kami para dito sa series,” nakangiting pahayag ni Will sa 24 Oras.

Katrabaho ngayon ni Will ang ilang beteranong artista katulad nina Eric Quizon, Meryll Soriano at Keempee de Leon. Marami umanong natutunan ang binata mula sa mga katrabaho. “Working with them, isa po ‘yon sa mga nagpapagaan sa pakiramdam ko. Siyempre ang dami na po nilang napagdaanan sa ganitong genre (comedy) eh. So ang dami po nilang natuturo sa akin. Ang dami kong napupulot na aral sa kanila,” pagtatapat ng Kapuso actor.  (Reports from JCC)

JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with