Sandigan binasura bail petition ni Jinggoy

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan 5th Division ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na magtakda ng fix bail para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa 8-pahinang resolusyon na may petsang Hulyo 24, binigyang-diin ng korte na ang mosyon ni Estrada ay “premature” at walang legal na batayan.
“The court finds that the instant motion to fix bail filed by Estrada is premature and devoid of legal basis. Until accused Estrada filed the appropriate application for bail and the court, after the requisite hearing, determines that the evidence of guilt against him is not strong, there is no occasion for the court to fix the amount of bail. The motion must, therefore, be denied,” ayon sa resolusyon ng graft court.
Dagdag pa ng Sandiganbayan, hindi maaaring gawing batayan ni Estrada ang resulta ng kanyang dating plunder case upang makapagpiyansa nang hindi dumadaan sa kaukulang pagdinig.
Nilinaw ng Sandiganbayan na hindi maaaring makalaya si Estrada sa pamamagitan lamang ng simpleng motion to fix bail.
- Latest


















