^

Police Metro

Pinoy doktor missing sa Nepal flash flood

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa palang doktor na dumadalo sa isang pilgrimage sa Nepal ang kabilang sa mga indibidwal na kasalukuyan pa ring nawawala matapos ang pananalasa ng isang flash flood sa Nepal-Tibet border, naganap nitong Miyerkules.

Sa isang Facebook post ni Chiara Manalo, sinabi nitong ang kanyang kapatid na si Juan Carlos Manalo, isang doktor, ay bumibiyahe kasama ang isang grupo ng mga pilgrims nang ma­ganap ang trahedya.

Simula aniya noon ay nawalan na sila ng kontak dito, na huli umano nilang nakausap dakong ala-1:21 ng hapon, oras sa Pilipinas, noong Martes, Agosto 25, isang araw bago ang pana­nalasa ng flashflood.

Ayon pa kay Chiara, ang huling lokasyon ng grupo nito na natukoy nila ay sa immigration office sa Gyirong, na nasa Tibetan side ng border.

Nabatid na si Juan Carlos, na nagtungo sa lugar noon pang unang bahagi ng Agosto ay kasama ng Kailash Mansarovar Yatra pilgrimage group na inor­ganisa ng Isha Foundation, na isang India-based spiritual organization, na pinamumunuan ni Sadhguru Jaggi Vasudev.

Sa isang social media post naman noong Miyer­kules, sinabi ni Sadhguru na 77 pilgrims mula sa isa nilang Kailash group ang nasa Gyirong immigration office, at pabalik na sa India mula sa pilgrimage, nang tamaan ng pagbaha ang lugar.

FLOODS

MISSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with