Stags pinapak ng Generals
MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na sinikwat ng Emilio Aguinaldo College ang panalo kontra San Sebastian College -Recoletos, 96-64, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.
Tumibay ang kapit ng Generals sa No. 3 spot sa Group B bitbit ang 4-6 karta tampok ang 17 points ni MJ Raymundo bukod sa anim na rebounds at tatlong assists.
Wala pang panalo ang Stags sa kanilang 11 laro.
Mula sa nine-point lead, 26-17, sa first period ay nagpatuloy ang pamamayagpag ng EAC sa second quarter para tangayin ang 50-34 halftime lead.
Lalong ginanahan ang Generals maglaro sa third canto upang itarak ang 72-50 kalamangan papasok ng fourth quarter patungo sa 81-50 pagbaon sa Stags.
Sa unang laro, sinolo ng Jose Rizal Heavy Bombers ang liderato mula sa 81-78 panalo sa Lyceum Pirates.
Itinaas ng Heavy Bombers ang kanilang baraha sa 8-3, habang laglag ang Pirates sa 4-6.
- Latest
















