^

PM Sports

Like old times

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa kamay ng homegrown players nakasalalay kung mananatiling buhay ang FIBA World Cup bid ng Gilas Pilipinas.

Ito ay panahon ng gaya ng hindi pa umaasa ang Philippine national team sa naturalized reinforcement at gaya noong panahong nawala si Marcus Douthit dahil sa injury (at dahil sa topak?).

Out dahil sa calf o hamstring injury si Douthit nang nakipagpukpukan ang Gilas Pilipinas kontra South Korea sa semifinals ng 2013 FIBA Asia Championship sa MOA Arena.

Pinagtulungan nina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Marc Pingris na pangunahan ang mabigat na laban ng Gilas. Sa bandang huli, dumagundong ang Pasay City playing venue upang iselebra ang Gilas win na nagbigay daan sa pagbabalik ng Pinas sa World Cup matapos ang 36 years na paghihintay.

Sa 2014 Incheon Asiad, nagkaroon ng gusot ang team kay Douthit, at nag-decide si coach Chot Reyes na hindi gamitin ang naturalized player sa rematch kontra South Korea.

Nagpaulan ng three-pointers si Alapag upang muling pangunahan ang laban ng Gilas. This time kinapos, pero nakapagpakita pa rin ng proud moment.

Wala sa laban kontra Jordan sa Friday at versus Iran sa Sunday si Justin Brownlee.

Sabi ni coach Tim Cone, golden opportunity ito sa mga homegrowns na bumuhat ng load.

Dapat yakapin nila Kai Sotto at Co. ang pagkakataon na ito.

“It’s going to be a collective effort. We all know talagang malaking bagay si Justin but we have to face reality right now na wala siya and we need to step up as a team,” ani Scottie Thompson.

Just like old time, Baby!

Fight! Kahit walang naturalized.

FIBA WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with