^

PSN Showbiz

End of the world na ba?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
End of the world na ba?
Grabe ang baha kahapon sa buong Metro Manila.

Parang malapit na talaga ang end of the world.

Grabe ang baha kahapon sa buong Metro Manila.

Bumabaha naman noon pa, pero parang iba ito.

‘Yung EDSA na dating hindi tinutubig, ngayon binabaha na rin.

Dahil baha, automatic na traffic. Parang galit na galit  ang langit sa lakas nang buhos ng ulan.

Kaya ‘wag nating kalimutan ang mga humarbat at nagnakaw ng   pera para sa flood control projects.

Sana ay magising na tayong lahat at gamitin ang utak sa pagboto. ‘Wag naman sanang basta na lang natin i-charge to experience ang mga nangyari dahil ang buong bayan ang nagdurusa.

Lunes na Lunes pa kahapon at Balanghai Awards Night ng Cinemalaya 22. May mga ka­kilala akong hindi na nakadalo dahil bahang-baha ang lugar nila at walang madaanan. Halos pitong oras na sila sa daan, pero hindi nakarating ng Shangri-La Plaza.

Ibang-iba na ang Maynila ngayon na pinapangarap noon ng mga nasa probinsiya na puntahan.

Grabe ang pagbaha, may dagat ng basura, daming lubak sa mga kalsada, etc. habang iniimbestigahan ang confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Ano na nga bang kapalaran ng ating bayan?

Sabagay, hindi lang naman sa Pilipinas bumabaha.

Ang Japan, kahit sa Europe bumabaha na. Climate change is real nga.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with