Last shot before break
Huling hirit sa tagulan.
Maghaharap ang Barangay Ginebra at Meralco sa huling laro bago magbigay daan ang PBA Season 50 Governors Cup sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup qualifiers at sa Asian Games.
Maraming big matches na ang pinaglabanan ng Kings at Bolts. At kasama na ito sa kanilang malaking banggaan, considering parehong nasa peligrong kalagayan sila sa kasalukuyan – parehong outside ng Top 4 sa Group B.
Konting kapanatagan ang habol ng fierce rivals sa kanilang 7:30 p.m. Friday clash sa Smart Araneta Coliseum.
Makapagbibigay ng crucial push ang panalo, samantalang dagdag kadilim ang pagkatalo – habang maghihintay sila ng halos dalawang buwan sa resumption ng season-ending conference.
Nanghihinayang ang mga rumaratsadang koponan dahil mahihinto ang kanilang momentum. Kasama si Magnolia coach LA Tenorio na nagpahayag ng ganitong saloobin.
Malaking konswelo naman ito sa NLEX dahil may nine weeks sila para itono ang kanilang programa, sistema at camaraderie sa kanilang import na hahalili kay DeQuan Jones.
Good time din ito para sa ibang koponan na nais tumaya sa bagong import papasok sa final stretch ng elims at ng parating na playoffs.
Ang sukatan eh ang kakayahan nilang tumapat sa nilalaro ng San Miguel kasama si George King.
Bastanteng-bastante sana ang NLEX kasama si Jones.
Pero biglang wala silang ibang choice kung ‘di maghanap ng tatakip sa butas na iniwan ng pagkawala ni Jones.
Hay buhay!
- Latest






















