^

Pang Movies

Sexy actress, queenly ang buhay dahil sa madatung na papa

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Madalang na magpakita si sexy actress, pero queen vibes na raw ang buhay ngayon dahil sa yayamaning jowa na businessman.

Fan daw muna si businessman ng mga pelikula ni actress nung pandemic, tapos ginawa niya ang lahat para makilala at makuha si actress.

Kaso lang, may asawa si businessman sa abroad kaya “kabit” ang label kay actress.

Nung sinagot na niya si businessman, pinatanggal daw nito sa buhay ni actress ‘yung mga close sa kanya — pati PA (personal assistant), driver at glam team. Puro tao na ngayon ng businessman ang nakapaligid.

Laging may kasama si actress sa mall, salon, spa, pati sa tapings. Kawawa nga raw ‘yung dating mga staff kasi ‘di na siya makausap at laging bantay-sarado.

Pero okay lang daw kay actress, ‘yan daw kasi ‘yung pinili niyang way para umangat agad at matulungan ‘yung pamilya kahit na ang label niya ay kabit.

Lea, pinamana sa anak ang pagiging faney ng BTS

Ipinakita talaga ni Lea Salonga ang kanyang pagiging masugid na tagasuporta ng K-pop boy group na BTS, isang hilig na naipasa rin niya sa kanyang anak na si Nic Chien.

Dumalo ang mag-ina sa Arirang World Tour concert sa MetLife Stadium, New Jersey.

Sa Instagram, ibinahagi ng Pinay Broadway star ang ilang kuha nila mula sa soundcheck at sa mismong pagtatanghal.

Last July, lumipad si Lea sa Busan para mapanood ang BTS tour. Kahit daw nakakapagod, isang unforgettable experience raw ang show. Kaya siguro umulit na manood si Lea at kasama pa ang anak niyang si Nic.

Inamin ni Lea sa isang interview na kabilang siya sa tinatawag ng BTS fandom na ARMY. Naging malaking tulong daw sa kanyang mental health noong magkaroon ng global pandemic ang pagiging fangirl ng BTS.

“2020. COVID, and everybody’s stuck at home. I don’t know, I was just going through quite a bit in my life. The isolation and even though my friends and I were making an effort to stay in touch with each other and watching my kid navigate that kind of isolation from friends. That’s a big ask of somebody that young and impressionable and vulnerable.

“I’m watching YouTube, as most everybody does to try and get through the day, and I’m like what is this? What is this on my social media? I watched the video and the minute I saw V in that bottle green Gucci waistcoat and flared trousers, like pushing his hair back, I’m like–– and I’m done, this is it. It just pulled me out of this sad, not quite hopeless, but this sad state of affairs that my brain found itself in. I’m like, I’m gonna live here in a minute because I don’t know when this pandemic is gonna end, but I’m gonna open YouTube or open the internet every day, and I’m gonna watch what these guys are doing.”

Bradley at Gigi, kasal na

Mukhang kinumpirma nina Bradley Cooper at Gigi Hadid ang kanilang pribadong kasal nang magkasamang lumabas sa Paris noong Aug. 3, parehong suot ang mga bagong singsing.

Nakita ang Hollywood actor-director at Victoria’s Secret supermodel na holding hands mula sa kanilang hotel patungong gym. Ang nakaagaw ng atensyon ay ang mga manipis na singsing sa kanilang mga kamay — pearl ang design ng kay Gigi at simpleng ginto naman kay Bradley.

Ayon sa E! News, wala pang tugon ang mga kinatawan ng dalawa.

Nangyari ito after three years matapos silang magsimulang mag-date noong October 2023 sa New York City.

Kapwa may anak sina Gigi at Bradley sa mga ex-partner nila.

Si Gigi na dating karelasyon ng One Direction member na si Zayn Malik ay merong five-year old daughter named Khai. Naghiwalay ang dalawa noong 2021.

Si Bradley ay co-parent sa nine-year-old daughter niya named Lea sa model na si Irina Shayk. Naghiwalay sila in 2019.

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with