^

PSN Showbiz

Lea, grabe ang pagiging Army

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Lea, grabe ang pagiging Army
Lea Salonga at Mic

Kung Blooms ang tawag sa mga fans ng BINI at A’tin ang pangalan ng mga fans ng SB19 siyempre Army naman ang mga fans ng popular South Korean K-Pop group na BTS at maituturing na isang Army ang award-winning singer, movie, stage actress, at Broadway star  na si Lea Salonga matapos nitong mapanood ang ongoing world tour ng grupo, ang Arirang World Tour 2026.

Unang dumayo si Lea sa concert ng grupo sa Busan nung nakaraang June 2026. As if this is not enough, dumayo rin siya (kasama ang nag-iisang anak na si Nic Chien) sa concert ng mga idolo last July 30, 2026 sa Grant Park in Chicago, Illinois at sa dalawang magkahiwalay na concert ng BTS sobrang nag-enjoy si Lea.

Alam nang lahat ang pagiging faney niya sa BTS.

Speaking of Lea, nakatakda itong parangalan ng Icon Award sa ikatlong taon ng Manila International Film Festival na gaganapin sa gala at awards night on September 6, 2026 which will be held sa ballroom ng Beverly Hills Hotel in Beverly Hills, Hollywood, USA.

Ang screening ng sampung pelikulang kalahok sa  ikatlong taon ng MIFF ay gaganapin sa TCL Chinese Theater in Hollywood at kasama sa sampung entries ay ang Sisa ni Hilda Koronel, Quezon ni Jericho Rosales at ang Manila’s ­Finest ni Piolo Pascual at iba pa.

Ang MIFF ay pinamumunuan ni Lisa Lew as executive producer ng annual event.

Napag-alaman din namin mula sa isang insider na hindi na umano kaalyansa ang MIFF L.A. ng taunang Metro Manila Film Festival sa Pilipinas.

Roderick at Carmi,hindi na nag-level up ang friendship

Sa edad na 66, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang veteran actor-comedian na si Rode­rick Paulate na mahanap ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Nananatiling single pa rin hanggang ngayon si Roderick although na-link ito noon sa pinsang actress ni Kris Aquino, si Jackie Aquino.

Bakit kaya hindi na lamang si Carmi Martin ang ligawan niya? Hahaha.

Bukod kasi sa close silang magkaibigan, nagkasama pa silang dalawa sa dati nilang late  weekly musical show, ang Tonight with Dick & Carmi sa ABS-CBN.

Sina Dick at Carmi ang agaw-pansin sa recent successful and star-studded jewelry fashion show ng Maddox na pinamumunuan ng  president and CEO na si Charo Cordial na ginanap sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel.  At bilang tribute sa kanila at sa dati nilang programa ay naka-background music pa ang theme song ng kanilang programa, ang Together Forever.

Pareho silang single hanggang ngayon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with