^

Bansa

Minority senators binoykot SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Minority senators binoykot SONA
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivers his fifth State of the Nation Address (SONA) at the plenary hall of the House of Representatives in Quezon City on Monday, July 27, 2026.
Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang kasapi ng minorya sa Senado sa pangunguna ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Sa panayam bago magbukas ang 2nd Regular Session ng 20th Congress, sinabi ni Cayetano na mas nais niyang panoorin na lang sa telebisyon ang SONA. Iginiit rin na ang kanyang gagawin ay isang simpleng paraan ng kanyang protesta laban sa administrasyon.

“Ako mas preference ko siguro ­panoorin na lang sa TV. Baka mas komportable rin yung administrasyon that way and it’s my simple way of protesting pati sa pagba-black,” sabi ni Cayetano.

Sinabi rin ni Cayetano na naniniwala siya na ang demokrasya ng Pilipinas ay “in danger”, na kapag nagsalita ay biglang nagiging target katulad ng mga kasamahan sa minorya na nakakulong na ngayon.

Sa hiwalay na panayam sinabi rin ni Sen. Imee Marcos, kasapi ng minorya na hindi rin siya dadalo sa SONA.

Sinabi pa ni Marcos na “nakakaumay” na ang pagdalo sa SONA at nalulungkot din siya para sa mga kasamahan sa minorya dahil lahat sila ay kinakasuhan.

Maging si Sen. Robin Padilla ay hindi nagpakita sa SONA. Una rito, sinabi ni Padilla sa panayam na mayroon silang “family affair” kaya hindi rin siya dadalo sa SONA. Ayaw naman niyang ma-offend ang Pangulo kung papalakpak o tatayo ang mga dadalo sa SONA gayong siya ay mananati­ling nakaupo lamang o kaya ay hindi papalakpak. 

Hindi rin dumalo sa SONA sina Senators Loren Legarda, Bong Go at Pia Cayetano.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with