James lalaro sa 76ers

PHILADELPHIA — Matapos ang ilang araw na pag-iisip ay nagdesisyon kahapon si LeBron James na maglaro para sa 76ers sa darating na NBA season.
Pumirma ang 41-anyos na si James sa isang two-year, $8 million contract na may isang player option.
“I was honest at that last press conference when I said I needed to look at myself and deicide if I still love this game,” sabi ni James sa kanyang social media post.
Ang 76ers ang kanyang ikaapat na NBA teams matapos maglaro sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at Los Angeles Lakers.
Hangad ni James ang kanyang pang-limang NBA crown at makakasama niya sa Philadelphia sina Tyrese Maxey, Joel Embiid at Jaylen Brown.
Umaasa si James na mababasag niya ang 43-year championship drought ng 76ers kagaya ng ginawa niya sa pagbura sa 52 taong paghahanap ng Cavaliers sa kampeonato noong 2016.
Maglalaro si James sa kanyang ika-24 season.
- Latest

















