Ama todas sa ambush, anak sugatan
MANILA, Philippines — Patay ang isang ama habang sugatan ang 17-anyos nitong anak na lalaki matapos silang paulanan ng bala ng motorcycle riding-in-tandem sa highway ng Brgy. Balao sa Burauen, Leyte noong Biyernes.
Kinilala ang nasawi sa pangalan lamang nitong Rico, 40-anyos, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang patuloy n nilalapatan ng lunas sa Burauen District Hospital ang 17-anyos nitong anak na si alyas “Yanyan”.
Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office (PP), dakong alas-11:55 ng gabi habang lulan ng behikulo ang mag-ama galing sa pagtitipon sa Brgy. Balao at pauwi na sa kanilang tahanan sa Brgy. Paghudlan, Burauen nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na pagsapit sa nasabing lugar.
May natukoy nang persons of interest ang awtoridad sa krimen na ang sinisilip na motibo ay personal na galit.
- Latest
















